"Nabaton mo ang roses?"
"Yes. For what?"
"Personal ko to tani nga ihatag sa imo pero wala ka man. Amo nga ginpadala ko na lang kay pards basi malaya."
"Okay."
"Obvious naman
di ba? I've keep it for a year na. I just want to let you know how much
I love you. I'm taking risk. Ang importante napabalo ko sa imo ang
feelings ko."
"Thank you. But I prefer our friendship."
Patlang. Isang mahabang patlang.
"Sorry."
"Okay lang. Sanay na ako sa rejections. I saw it coming. But it's worth the risk. Nevermind me."
"Untati na lang. Do not hurt yourself."
End of conversation.
Sa text lang
yon pero parang kaharap ko siya. Damang dama ko ang sakit. Ang bawat
kataga ay parang balang unti-unting pumapatay sa akin. Ngunit ano nga ba
ang magagawa ko? Hindi ko hawak ang pagkakataon.
Masakit
mapaglaruan ng tadhana. Ewan ko kung bakit ganito ang buhay. Kung sino
pa ang gusto mo ay siya pang may ayaw sa'yo. Oo, hindi ako gwapo. Pero
ayaw kong tanggapin sa sarili kong pangit ako. Creation ako ni God.
Walang ginawa si God na pangit.
Pagbigyan niyo na ako. Sige na. Moment ko'to.
Factor din
siguro ang mukha kong hindi kagwapuhan kung bakit 'di niya ako
masikmura, este, matanggap. O baka naman dahil mas mataas ang antas ng
kanyang pinag-aralan. Kumbaga, kung susumahin, malayong- malayo ang
buhay ko sa buhay niya.
Simple lang
naman akong tao. Maong na kupas, bulsang walang laman kundi
isandaan..... Walang kotse. Walang magarang gamit. Ang tanging meron ako
ay ballpen at papel- kung saan nakatago ang aking damdamin; at isang
pusong nagmamahal lang.
Pero saan nga ba nasusukat ang isang tao para mahalin siya? Nakakapraning na katanungan.
Basted-
isang salitang tangan-tangan ko sa aking dibdib ngayon. Okay lang sana
kung ginawa ito sa akin ng crush ko lang. Makakaya ko pa. Pero ang hatol
ay nagmula sa babaeng mahal ko. Ah, hindi, mahal na mahal. Masakit.
Sobrang sakit. Masyadong nakakababa ng pagkatao. Nakakamatay. Parang
lason na pinahihirapan ang kaloob-looban mo ng sobra-sobra. Para akong
binitay ng ilang beses. Tila nahulog ako sa napakalalim na bangin at
pagbagsak ko sa pinakadulo, lintek, buhay pa ako.
Pero masisisi
ko ba siya? Hindi. Walang may kasalanan. Biktima lang ako ng tinatawag
na sirkumstansiya. Nahulog ako sa bitag ng mapagkanulong pag-ibig.
Subalit wala
akong pinagsisihan. Alam kong mangyayari ito. Ganoon naman talaga 'di
ba? You win some, you lose some. Ang importante lang, kung paano natin
tatanggapin ang resulta ng mga ginagawa natin. Okay lang sa akin ang
nagyari. Tanggap ko naman eh. May mga pangarap na hindi natutupad.
Masakit ang mabigo pero dapat kayanin. Mahal ko siya at handa kong
pakawalan ang lahat para sa kanya. Kahit ang sarili ko pang kaligayahan.
Ang mahalaga ay siya. Kung ano ang makakapagpaligaya sa kanya. Kung ano
ang nais niya. I'm letting go dahil iyon ang gusto niya. Iyon ang
kagustuhan ng tadhana. Ang maging masaya siya at masaktan ako.
Sabi nila,
kung magmamahal ka huwag mong ubusin. Baka daw kapag dumating ang "right
one" mo, wala ka nang maibigay. Dahil wala nang natitira para sa sarili
mo. Pero para sa akin, pag nagmahal ka, ibigay mo ng todo. Iyong
buong-buo. Dahil doon mo lang masasabing "nagmahal ako". Ibuhos mo. Wag
mong tirhan. Dahil minsan ka lang magmamahal ng totoo- lubus-lubusin mo
na.
Masakit
tanggapin ang katotohanan. Pero kailangan. Para lumaya ang pusong
sugatan. Kapag nagmahal, huwag kang bumitaw. Hold on until you can no
longer bear the pain. Dapat alam natin kung kailan bibitaw. Kung kailan
isusuko ang laban. At mula sa pagkakadapang ay matutong bumangon.
Move on.
Mahirap. Napakahirap pero dapat gawin.
At ako? Pagkatapos ng masalimuot na pahina ng aking kwento, saan nga ba ako patungo?
Sa ngayon,
hindi ko pa alam. Buong-buo ko ibinigay ang pagmamahal ko, walang natira
sa akin. Hindi, hindi ito nasayang. Bagkus ay naging daan ito para para
makilala ko ang tunay na ako. Kung hanggang saan ko kayang
magsakripisyo. At nalaman ko- kaya ko. Umibig ako ng totoo. Sapat na
iyon. Sapat na ang minsan ay mabigo para masabi kong hindi bato ang puso
ko.
Hanggang
kailan ko makakaya ay hindi ko alam. Ang mahalaga ngayon ay ang sakit na
nararamdaman ko. Hindi dahil sa adik lang ako kundi dahil sa
pamamagitan nito ay aking maaalalang minsan ay nagmahal ako ng tunay.
Isang pag-ibig na buong-buo. Walang hinihintay na kapalit. Hindi hinog
sa pilit. Pag-ibig na handang magsakripisyo.