Pagbukas ko ng facebook, isang masamang balita ang tumambad sa akin. Isa sa mga tinitingala kong tao sa mundo ay pumanaw na.
Sa edad na 82, wala na si Neil Armstrong.
Hindi, hindi siya bumalik sa moon para maging Last Man on the Moon.
Ma-recall ko lang yung hindi malilimutang statement niya noong July 20,
1969 nang dumating na ang Apollo 11 sa surface ng moon kung saan si
Manong Neil Armstrong nga ang First Man who sat foot on the moon.
Sabi niya, "that one small step of the man, one giant leap for mankind".
Inspiring. I'm so proud of that achievement. Kahit hindi pa nga ako
ipinanganak sa mga panahong iyon. At malamang wala pa sa mga plano ng
mga magulang ko ang ipanganak ako. Hindi naman talaga ako kasama sa mga
plano.
Balik kay kuya Neil.
Totoo, sobrang proud ako. Hamakin mo, sa buong universe, Man was the
first to land foot at the Earth's moon. Naunahan pa natin si Marvin the
Martian. Sobrang achievement talaga. Promise.
With due respect, with so much integrity and pride, I salute Sir Neil Armstrong for making history worth of looking back.
But, a big but (Hindi na ito tungkol kay manong Neil, medyo lang), di
ko lang mapigilan ang magreact. Sa facebook, mas marami pang like ang
report tungkol sa pagkamatay ni N.A. kaysa doon sa usapin ng mga lokal
na balita. Nakakadismaya. Mas pinagtutuunan pa ng karamihan ng mga Noypi
ang mga nangyayari sa ibang bansa kaysa sa mga nangyayari sa paligid
niya.
Isipin mo na lang, noong pagkamatay ni Steve Jobs, isa sa mga dakilang
founder ng Apple corp., halos buong mundo ay nagdalamhati, kabilang na
ang iba sa atin. Na kung tutuusin, dapat matagal na tayong
nagdadalamhati dahil halos araw-araw may namamatay sa gutom dito sa
Pilipinas.
Masakit tanggapin pero ito ang totoo: NAKIKISAWSAW TAYO SA MUNDO PARA LANG MASABING ANDOON TAYO.
NAKIKILUKSA SA DRAMA NG IBA KUNWARI NALUHA PA. (credits to Greyhoundz.Koro. Available in all leading music stores and planets).
To Sir Neil Armstrong, thank you. Bon Voyage.
Lunes, Agosto 27, 2012
Huwebes, Agosto 23, 2012
DIVIDED PHILIPPINES (part I)
Ilang beses na ba tayo tinapakan? Ilang ulit na ba tayo niragasa at
pinaluhod? Oo nga at nagkaisa tayo nung kasagsagan ng martial law. Pero
tapos nun, wala na. Nagkawatak watak uli tayo nung panahon ni Pres.
Erap. At ang kapal ng mukha natin na tawagin ang EDSA DOS at EDSA TRES
na people power(s)... Na Kung tutuusin ang mga nasa likod ng dalawang
pag aklas ay mga buwayang uhaw sa kapangyarihan. Di tulad ng EDSA 1 na
may iisang adhikain.
Madalas pulitika ang ugat ng mga karahasan dito sa Pilipinas. Tulad na
lamang ng Ampatuan Maguindanao Massacre na resulta ng kabobohan ng mga
Ampatuan sa Mindanao. Na hinayaan ni Gloria Arroyo na magkaroon ng
private army. At hindi rin naman dito exempted ang mga Mangudadatu. At
sa palagay ko, di man ito tumugma sa pananaw mo kaibigan, wala na
talagang pagkakaisa dito sa atin.
Isipin mo na lang -- sa gobyerno natin, may tinatawag na Pro
Administration at Oppositions. Doon pa lang ay wala nang unity. Dahil
ang bawat salita ng mga taga Pro ay kakalabanin ng mga Opposition. At
vice versa. Kaya wala tayong nabubuong pagsulong. At may political
parties pa na kung saan ang mga pulitiko ay may loyalty pa kaysa loyalty
sa masang Pilipino. At ang mga magnanakaw dito sa atin ay kinakabitan
pa ng HONORABLE sa pangalan.
At kung iisipin mo, ang pulitiko sa pagdating ng eleksyon, laging
bukambibig ang PUBLIC SERVICE. Pero pag naupo na ay parang hari. Naalala ko noon, sa nangyaring meeting ng Sangguniang Panlunsod dito sa Iloilo
city. May isang Board Member na nagreklamo. Sabi nya, bakit daw siya
kinokontra ng mga constituents niya gayong marami siyang projects at
natulungan. Sa pagkakataong iyon, isang member din ang tumayo at sabi,
bakit siya nagrereklamo eh ‘yan nga ang trabaho nya- Public service.
Bakit siya naghihintay ng kapalit? Bobo di ba? Simple lang naman eh--
Political will. Kung wala ka no'n, wag ka na lang tumakbo sa pulitika.
Magiging pasanin ka lang.
Pero hindi lang naman sa pulitika ang mga lamat kung bakit walang unity
dito sa atin. Sa ating pagiging mamamayan meron din. Sa kabataan, lalo
na. Tulad na lang sa music genre. Musika- di ba dapat isa itong
libangan? Pero bakit nagiging gatilyo ito para pumutok at umapoy ang
bawat damdamin natin? RAKISTA ka, HIPHOP ka. Dyan ka lang, dito ako.
Dahil sa genre ay nag aaway tayo. Lagi natin pinagtatalunan kung sino
ang astig. Di ba mababaw?
At kahit sa TV lang, may network war din. KAPUSO at KAPAMILYA. Umeksena pa ang TV 5. EAT
BULAGA AT SHOWTIME. Ang babaw. Ok lang
naman na may paborito tayo. Pero kung ito ang magiging mitsa para
yurakan natin ang kapwa natin, wag na lang. Tumalon ka na lang sa apoy.
Pati nga sa movie industry may kabuktutan din. Yung mga pelikula sa
hollywood ginagaya natin dito. Wala tayong matatawag na originality.
Meron naman tayo nun ‘di ba? Kulang lang sa pansin at pag-iisip.
At sa palagay ko, ang mas malala ay ang RELIHIYON. Muslim. Kristiyano.
Nagkakamatayan. Nagkakasagupaan. Pareho pareho naman tayong Pilipino.
Kapwa mo Pinoy tinatapakan mo. Iisa ang Diyos natin. Yahweh. Allah.
Biblia. Kor'an. Wag tayong humusga. Palaganapin natin ang magandang
balita. Iisa lang ang langit natin. Pag usapan natin ang kapayapaan.
At sa loob ng KRISTIYANISMO. Lumalagablab din ang apoy. Ewan ko ba kung
bakit sinisiraan ng mga Protestante, INC, at ibang sekta ang Katoliko.
Ano ba ang masama sa Katolisismo? Kaligtasan ang usapan pero sa isipan
mo ay karahasan. Bakit di ka makinig para ikaw din ay mapakinggan?
Subukan naman natin pagtulung-tulungan.
Ngayon may RH BILL na. Umaapoy ang palitan ng mga salita. Simbahan at Gobyerno. CBCP at Congress. Hindi ko alam kung sino ang tama. Kung ano ba ang tama. Para saan nga ba ang RH BILL? Napopromote nga ba ito ng Abortion? Ewan. Kunsabagay, itong BILL na 'to, lantarang sumasang-ayon sa paggamit ng mga contraceptives. Yong artificials. Yong pwede mong mabili over the counter. Condom, Pills, diaphragm at kung anu-ano pang gamit huwag lang makabuntis o mabuntis.
Para sa akin, dakila ang bill na ito. Hamakin mong hindi na mahihirapan ang isang kabataang bumili ng condom sa botika. Hindi na siya mag-aastang secret Agent habang inoobserbahan ang palibot at baka may makakita sa kanyang bumibili.
Hanep.
Ang daming problema sa Pilipinas pero iba ang inaatupag niyo!
Kakulangan sa social services, basic needs, bahay, trabaho, pagkain, drainage system at inflations! Problema pa ang bigas at mga bilihin. Yung gasolina, kasingbilis ng paglipat-lipat ng pulitik ong partido ang pagmahal nito.
Minsan naisip ko, sino nga ba ang dapat masunod? Ang taongbayan o ang trapo?
Dreams Do NOT Come True
"Nabaton mo ang roses?"
"Yes. For what?"
"Personal ko to tani nga ihatag sa imo pero wala ka man. Amo nga ginpadala ko na lang kay pards basi malaya."
"Okay."
"Obvious naman
di ba? I've keep it for a year na. I just want to let you know how much
I love you. I'm taking risk. Ang importante napabalo ko sa imo ang
feelings ko."
"Thank you. But I prefer our friendship."
Patlang. Isang mahabang patlang.
"Sorry."
"Okay lang. Sanay na ako sa rejections. I saw it coming. But it's worth the risk. Nevermind me."
"Untati na lang. Do not hurt yourself."
End of conversation.
Sa text lang
yon pero parang kaharap ko siya. Damang dama ko ang sakit. Ang bawat
kataga ay parang balang unti-unting pumapatay sa akin. Ngunit ano nga ba
ang magagawa ko? Hindi ko hawak ang pagkakataon.
Masakit
mapaglaruan ng tadhana. Ewan ko kung bakit ganito ang buhay. Kung sino
pa ang gusto mo ay siya pang may ayaw sa'yo. Oo, hindi ako gwapo. Pero
ayaw kong tanggapin sa sarili kong pangit ako. Creation ako ni God.
Walang ginawa si God na pangit.
Pagbigyan niyo na ako. Sige na. Moment ko'to.
Factor din
siguro ang mukha kong hindi kagwapuhan kung bakit 'di niya ako
masikmura, este, matanggap. O baka naman dahil mas mataas ang antas ng
kanyang pinag-aralan. Kumbaga, kung susumahin, malayong- malayo ang
buhay ko sa buhay niya.
Simple lang
naman akong tao. Maong na kupas, bulsang walang laman kundi
isandaan..... Walang kotse. Walang magarang gamit. Ang tanging meron ako
ay ballpen at papel- kung saan nakatago ang aking damdamin; at isang
pusong nagmamahal lang.
Pero saan nga ba nasusukat ang isang tao para mahalin siya? Nakakapraning na katanungan.
Basted-
isang salitang tangan-tangan ko sa aking dibdib ngayon. Okay lang sana
kung ginawa ito sa akin ng crush ko lang. Makakaya ko pa. Pero ang hatol
ay nagmula sa babaeng mahal ko. Ah, hindi, mahal na mahal. Masakit.
Sobrang sakit. Masyadong nakakababa ng pagkatao. Nakakamatay. Parang
lason na pinahihirapan ang kaloob-looban mo ng sobra-sobra. Para akong
binitay ng ilang beses. Tila nahulog ako sa napakalalim na bangin at
pagbagsak ko sa pinakadulo, lintek, buhay pa ako.
Pero masisisi
ko ba siya? Hindi. Walang may kasalanan. Biktima lang ako ng tinatawag
na sirkumstansiya. Nahulog ako sa bitag ng mapagkanulong pag-ibig.
Subalit wala
akong pinagsisihan. Alam kong mangyayari ito. Ganoon naman talaga 'di
ba? You win some, you lose some. Ang importante lang, kung paano natin
tatanggapin ang resulta ng mga ginagawa natin. Okay lang sa akin ang
nagyari. Tanggap ko naman eh. May mga pangarap na hindi natutupad.
Masakit ang mabigo pero dapat kayanin. Mahal ko siya at handa kong
pakawalan ang lahat para sa kanya. Kahit ang sarili ko pang kaligayahan.
Ang mahalaga ay siya. Kung ano ang makakapagpaligaya sa kanya. Kung ano
ang nais niya. I'm letting go dahil iyon ang gusto niya. Iyon ang
kagustuhan ng tadhana. Ang maging masaya siya at masaktan ako.
Sabi nila,
kung magmamahal ka huwag mong ubusin. Baka daw kapag dumating ang "right
one" mo, wala ka nang maibigay. Dahil wala nang natitira para sa sarili
mo. Pero para sa akin, pag nagmahal ka, ibigay mo ng todo. Iyong
buong-buo. Dahil doon mo lang masasabing "nagmahal ako". Ibuhos mo. Wag
mong tirhan. Dahil minsan ka lang magmamahal ng totoo- lubus-lubusin mo
na.
Masakit
tanggapin ang katotohanan. Pero kailangan. Para lumaya ang pusong
sugatan. Kapag nagmahal, huwag kang bumitaw. Hold on until you can no
longer bear the pain. Dapat alam natin kung kailan bibitaw. Kung kailan
isusuko ang laban. At mula sa pagkakadapang ay matutong bumangon.
Move on.
Mahirap. Napakahirap pero dapat gawin.
At ako? Pagkatapos ng masalimuot na pahina ng aking kwento, saan nga ba ako patungo?
Sa ngayon,
hindi ko pa alam. Buong-buo ko ibinigay ang pagmamahal ko, walang natira
sa akin. Hindi, hindi ito nasayang. Bagkus ay naging daan ito para para
makilala ko ang tunay na ako. Kung hanggang saan ko kayang
magsakripisyo. At nalaman ko- kaya ko. Umibig ako ng totoo. Sapat na
iyon. Sapat na ang minsan ay mabigo para masabi kong hindi bato ang puso
ko.
Hanggang
kailan ko makakaya ay hindi ko alam. Ang mahalaga ngayon ay ang sakit na
nararamdaman ko. Hindi dahil sa adik lang ako kundi dahil sa
pamamagitan nito ay aking maaalalang minsan ay nagmahal ako ng tunay.
Isang pag-ibig na buong-buo. Walang hinihintay na kapalit. Hindi hinog
sa pilit. Pag-ibig na handang magsakripisyo.
Sino ang dirty?
"Hindi sa
nagmamalinis ako. Alam kong hindi ako lubos na malinis. May dumi rin
ako. Lahat tayo. Pero ikaw, ipinapakita mo kung gaano ka kadumi.
Hindi 'yan pagpapakita ng totoo, pagpapakilala 'yan ng pagiging gago mo.
Hindi kaplastikan ang pagiging mabait sa kabila ng pagiging madumi ng isang tao. Pagpapakita ito ng mataas na pag-unawa. Subukan mong gumawa ng masama, gagawan ka rin ng masama.
Ang negatibong akto ay magbubunga ng negatibo."
Hindi mo kailangan baguhin ang pagkatao mo dahil lang sa iba. Wag na wag mo itong gagawin para lang magustuhan ka ng karamihan.
Hindi 'yan pagpapakita ng totoo, pagpapakilala 'yan ng pagiging gago mo.
Hindi kaplastikan ang pagiging mabait sa kabila ng pagiging madumi ng isang tao. Pagpapakita ito ng mataas na pag-unawa. Subukan mong gumawa ng masama, gagawan ka rin ng masama.
Ang negatibong akto ay magbubunga ng negatibo."
Hindi mo kailangan baguhin ang pagkatao mo dahil lang sa iba. Wag na wag mo itong gagawin para lang magustuhan ka ng karamihan.
Hindi ka anino. Hindi ka kumikilos ayon sa dinidikta ng mga pwersa sa
paligid mo. May sarili kang utak, may sariling desisyon. Ikaw ang
magmamaneho ng manibela mo. windpain's Freedom wall
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)